TRABAHO ONLINE: Zwerl

Your home of legit online opportunities.

Showing posts with label Zwerl. Show all posts
Showing posts with label Zwerl. Show all posts

Thursday, March 21, 2019

Goodbye Zwerl Members and to the Online World

2:19 AM 0
Goodbye Zwerl Members and to the Online World
Nakakapanghinayang dahil isa sa nagbabayad sa amin ng hindi lang sentimo kundi libo-libo ay namamaalam na. Hindi pa naman sila totally closed pero sa kasamaang palad, hindi na sila nagbabayad sa kanilang mga membro. Ang Zwerl ngayon at kahalintulad na sa Facebook, Twitter at Instagram na kahit 24/7 kapang online at gumagawa ng kahit anong activities, you are not compensated anymore.


Sumali ako sa Zwerl noong October 27, 2018, kung nasundan nyo ang mga nagdaan kong updates dito sa blog ko. Isang linggo lang, agad akong nakakatanggap ng payout noong November 2, 2018 dahil maaga silang nagbabayad noon. Mahigit P3,000 ang natanggap ko kaya nagustuhan ko agad si Zwerl. Naglaan ako ng mahabang oras sa Zwerl pagkatapos ko sa aking mga blogs. Nakaipon ako ng mahigit $240 noong November 2018, one month activities ko yon sa kanila.

As promise bago mag December 15, ay makakatanggap na naman ang lahat ng membro ng kanilang payout pero nag-iba ang ihip ng hangin. Dumami ang mga mapagsamantalang membro na walang ibang habol kundi magkapera ng malaki sa Zwerl sa pamamagitan ng mga nonsense na topic. Naging strikto si Zwerl, halos lahat ng account ay dumaan sa masusing invistigation at pagsusuri.

Ipinaalam sa lahat na yong mga account na nakasama sa QUEUE ay babayaran sa January 2019 kung hindi sila lumabag sa policy at mga rules ng Zwerl.  Para sa akin, hindi ko na inisip kung mababayaran pa ang $240+ ko sa kanila. Nagiging inactive na rin ako sa Zwerl sa buong December hanggang January 2019. Dumaan ang January 15, 2019 pero wala akong payment na natatanggap mula sa Zwerl. Mas lalo ko ng kinalimutan ang account balance ko sa kanila.

January 28, 2019 mayrong isang email na hindi ko inaasahan. Ito'y galing sa TransferWise na napaka-familiar sa akin dahil nakatanggap na ako ng ganitong email noong November 2, 2018. Hindi ko binuksan ang aking email pero binuksan ko ang aking bank account kung saan yon ginamit ko sa aking previous payout kay Zwerl. Lumundag sa tuwa ang aking puso at isip dahil mayrong pumasok na P12,774.12.

Pagkatanggap ko sa email na iyon, bumalik ako saglit sa Zwerl at gumagawa ng mga magagandang topiko na maaaring makakuha ng maraming EXPERTS sa chat pero kahit ano pa ang ginagawa ko, hindi na ako kumita pa tulad nong dati. Hanggang last month lang, nagpadala ng announcement ang pamunuan ng Zwerl na hindi na sila nagbabayad sa lahat ng kanilang membro at magiging ordinary social media site nalang ito.


Pero ngayon, ikinalungkot ng lahat dahil TOTALLY CLOSED na ang kanilang website. Hindi na ito ma-search online. Sayang dahil ang ganda ng pasahod nila noong nakaraang taon. Marami din silang natutulungan, hindi lang mga Pinoy pati taga ibang bansa. Sana mayron na namang magagandang opportunities na magbubukas sa taong ito.

Monday, January 28, 2019

Zwerl Payment Received Yesterday - Never Expected Since They Start Queueing

11:20 PM 0
Zwerl Payment Received Yesterday - Never Expected Since They Start Queueing
Hindi ko na inaasahan na may darating pa dahil nong December 2018 ko pa ito inaantay pero dahil sa biglaang pagbabago ng site, napasama ako sa naka- QUEUE. Ang masaklap, hindi lang pang 100 kundi unti-unti pang tumaas ang numbers ng QUEUE ko hanggang umabot sa mahigit isang libo. Kaya nawala ako ng pag-asa at pilit na kinalimot nalang ang site. Hindi na ako nag participate sa mga chatroom at nawalan na ako ng gana, hindi gaya dati na everyday akong nasa site na ito. Pero nong hindi ako napasama sa payout, bigla din akong naglaylo.

Hindi ito ang first payout ko. Pangalawa ko na itong payout at medyo malaki ito compared sa first payout ko. Seven days lang kasi yong first payout ko dahil end of the month na ako sumali sa Zwerl. Nagustuhan ko yong concept kung kaya madali kong na reached your minimum payout. Sinubukan ko lang yon nong una kung totoo ba talaga silang nagbabayad. Namangha ako dahil October 23, evening yon kung hindi ako nagkakamali nag register ako kay Zwerl. Sabi nila kataposan ang cutoff pero tantsa ko hindi,  dahil napakaaga dumating nga payout ko. November 2 dumating na ang payout  at more than P3,000 ang natanggap ko sa aking BPI account.

Mula noon kahit may iba pa akong raket sa internet,  mas nagbigay ako ng mahabang oras sa Zwerl dahil nag-enjoy ako sa pakikipag-usap ng mga kapwa member. Medyo suspense kasi dahil may oras kayong sinusunod. Minsan hindi mo napapansin na naubos na pala ang 10 minutes nyo sa pakikipag-usap. Napaka-enjoy at marami akong nasalamuhang ibang mga tao at pangalan mula sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas at buong mundo.

Ganun paman, kahit nag-enjoy kung hindi naman compensated ang binigay mong oras sa site, mawawalan ka talaga ng gana. Ok lang sana kung sa umpisa palang ay alam ko na hindi sila nagbabayad dahil pareho sila ni Facebook pero hindi ako magpaka-plastic, sumali ako doon dahil sa kita. Bukod sa mag-enjoy ka, at the same time kumikita ka. Saan kapa, diba napakaganda dahil wala ka naman ibang gagawin kung makikipag chat lang. Isi-share mo lang ang iyong mga experiences sa buhay lalo na ako na medyo marami na ding karanasan lalo na sa online world.

I expected na matatanggap ko ang aking payout bago mag mid of December 2018 pero bago paman dumating yong, marami ng mga annoucement tungkol sa QUEUEing at pagbabago ng policy. Marami ang nagrereklamo pero wala silang magawa dahil nasa company or site pa rin ang decision. Nananahimik ang buong Zwerl mula matanggap ang hindi magandang balita na iyon. Karamihan sa mga members na nakaabot ng minimum payout ay under review ang kanilang mga account at mga activities.

Dahil nasa mahigit 1,100 ako sa QUEUE, hindi ko na pinansin ang site kahit mayron akong balance na $247. Yong oras ko na binigay ko sa kanila, inilipat ko sa ibang raket ko sa internet lalo na sa pagpo-promote ng sariling blog ko at dahil sa nangyari mas humatak ng maraming views ang blog ko at kumita ako ng mas malaki compared noon. Nagpapasalamat lang ako sa experience na nakuha ko kay Zwerl.

Kampanti ako sa sarili ko na kung totoong site talaga ang Zwerl sigurado akong mababayaran ako dahil wala naman akong nilabag sa kanilang policy. Sinunod ko kung anong mga hindi dapat upang hindi masasayang ang aking pinaghirapan.


Kahapon lang, sa hindi inaasahang panahon...habang nasa harap ng laptop ko, may na-receive akong email at medyo familiar ako kung saan ito galing. Naka ON kasi ang notification ko sa aking laptop para bawat email makikita ko. Hindi nga ako nagkakamali galing nga sa Zwerl dahil ito lang ang bukod tanging nagpapadala ng pera sa akin gamit ang TRANSFERWISE.

Bago paman dumating ang magandang EMAIL kahapon, meron na palang notification sa aking account regarding sa incoming payout ko. Ito ang mensahe na bumungad sa aking Zwerl account right after I opened the site:




Kaya nagpapasalamat ako na dumating din ang aking payout sakto kung kelan kailangan ako ng pera dahil kalalabas lang namin sa ospital dahil na confined yong anak ko nong nakaraan araw. Atleast my refund yong binayad ko sa ospital.

Kung gusto nyong subukan ang site na ito, you can register gamit ang aking referral link: 
https://www.zwerl.com/refer?code=KLPP6Z