Nakakapanghinayang dahil isa sa nagbabayad sa amin ng hindi lang sentimo kundi libo-libo ay namamaalam na. Hindi pa naman sila totally closed pero sa kasamaang palad, hindi na sila nagbabayad sa kanilang mga membro. Ang Zwerl ngayon at kahalintulad na sa Facebook, Twitter at Instagram na kahit 24/7 kapang online at gumagawa ng kahit anong activities, you are not compensated anymore.
Sumali ako sa Zwerl noong October 27, 2018, kung nasundan nyo ang mga nagdaan kong updates dito sa blog ko. Isang linggo lang, agad akong nakakatanggap ng payout noong November 2, 2018 dahil maaga silang nagbabayad noon. Mahigit P3,000 ang natanggap ko kaya nagustuhan ko agad si Zwerl. Naglaan ako ng mahabang oras sa Zwerl pagkatapos ko sa aking mga blogs. Nakaipon ako ng mahigit $240 noong November 2018, one month activities ko yon sa kanila.
As promise bago mag December 15, ay makakatanggap na naman ang lahat ng membro ng kanilang payout pero nag-iba ang ihip ng hangin. Dumami ang mga mapagsamantalang membro na walang ibang habol kundi magkapera ng malaki sa Zwerl sa pamamagitan ng mga nonsense na topic. Naging strikto si Zwerl, halos lahat ng account ay dumaan sa masusing invistigation at pagsusuri.
Ipinaalam sa lahat na yong mga account na nakasama sa QUEUE ay babayaran sa January 2019 kung hindi sila lumabag sa policy at mga rules ng Zwerl. Para sa akin, hindi ko na inisip kung mababayaran pa ang $240+ ko sa kanila. Nagiging inactive na rin ako sa Zwerl sa buong December hanggang January 2019. Dumaan ang January 15, 2019 pero wala akong payment na natatanggap mula sa Zwerl. Mas lalo ko ng kinalimutan ang account balance ko sa kanila.
January 28, 2019 mayrong isang email na hindi ko inaasahan. Ito'y galing sa TransferWise na napaka-familiar sa akin dahil nakatanggap na ako ng ganitong email noong November 2, 2018. Hindi ko binuksan ang aking email pero binuksan ko ang aking bank account kung saan yon ginamit ko sa aking previous payout kay Zwerl. Lumundag sa tuwa ang aking puso at isip dahil mayrong pumasok na P12,774.12.
Pagkatanggap ko sa email na iyon, bumalik ako saglit sa Zwerl at gumagawa ng mga magagandang topiko na maaaring makakuha ng maraming EXPERTS sa chat pero kahit ano pa ang ginagawa ko, hindi na ako kumita pa tulad nong dati. Hanggang last month lang, nagpadala ng announcement ang pamunuan ng Zwerl na hindi na sila nagbabayad sa lahat ng kanilang membro at magiging ordinary social media site nalang ito.
Pero ngayon, ikinalungkot ng lahat dahil TOTALLY CLOSED na ang kanilang website. Hindi na ito ma-search online. Sayang dahil ang ganda ng pasahod nila noong nakaraang taon. Marami din silang natutulungan, hindi lang mga Pinoy pati taga ibang bansa. Sana mayron na namang magagandang opportunities na magbubukas sa taong ito.