TRABAHO ONLINE: Payza

Your home of legit online opportunities.

Showing posts with label Payza. Show all posts
Showing posts with label Payza. Show all posts

Friday, March 23, 2018

Payza Has Been Shutdown

12:43 AM 0
Payza Has Been Shutdown
Yes tama po ang nabasa nyo sa heading ng post na ito. Ito'y nababasa ko lang po galing sa pinaka paborito kung online site kung saan kumikita ako sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang mga surveys at mga task. Siguro kung member kayo ng Clixsense, alam nyo na ang post announcement ng kanilang ADMIN. Ang post ay DATED March 21, 2018 bandang 4:38pm at mababasa ng ganito:

Payza has been shutdown

21 Mar 2018 04:38 pm
Members, as I am sure many of you are aware, Payza has been shut down by the US Government. This means we cannot send any cashouts to them and Payza will be removed as a cashout option from ClixSense. As for the funds you have available in Payza or any cashouts we've recently sent, the status of this money is unknown. We cannot refund any payments sent to Payza as we do not have access to their platform.

We do not know any more information other than their domain has been seized by US Authorities and we cannot load their website.

We will update you more on this situation as the information becomes available.

Thank you

NAGULAT AKO nong mababasa ko ito sa akin mismong account. Bakit ako nagulat? Dahil meron akong funds sa aking Payza account na iniipon ko for about 2 months galing ito sa isang program ko na sinasalihan 2 years ago. Referral commision ko ito galing sa aking referral na taga USA. Kahit hindi na ako active sa site kumikita pa rin ako dahil sa kanya.

Sayang naman kung mawawala ito dahil na siezed na yong site. Kaya agad-agad kong binuksan ang aking account sa aking cellphone. Bad thing, hindi nagbukas ang aking cellphone kaya nagtungo agad ako sa aking Laptop. Nong binuksan ko ito, Thanks God nabuksan naman. Kaya pinindot ko agad ang WITHDRAW para mailipat na ito sa aking  COINS wallet.

Successful yong request ko at agad nilang pina process pero meron itong 5 business days waiting time. Yon naman ang dati nilang ginagawa pero nagbago ito last year dahil almost instant na ang pag disbursed nila ng funds transfer. Yong sinabi na hindi na ma ACCESS ang PAYZA site, hindi yon totoo kasi na access ko pa naman. Pero merong kaibahan sa dati. Ngayon ang makikita mo sa iyong browser ay PAYZA.EU na, unlike before na walang EU. Malamang, nasa EUROPE na ang server ng Payza.

Ang Payza ay ang dating ALERTPAY. Nagbago ito ng mukha at mas lumalawak ang sakop nito compara noon. Gumaganda na rin ang takbo ng Payza kay sa Alertpay dati. Malakas ang Payza at pumapangalawa ito sa Paypal. Kaya ito ang pinili kong online payment process after Paypal na nagbago din ang Policy at maraming sites ang natatamaan lalo na ang mga online earning sites like PTC at iba pa.

Walang palatandaan na hindi na nag function ng maayos ang Payza pagkatapos kung mag request ng withdrawal dahil ilang minuto palang, nakikita ko na ang parating na FUNDS sa aking COINS wallet.  Ibig sabihin tama yong sinabi nila sa email about my withdrawal status na they make a connection to my bitcoin wallet for the fund transfer. Based sa nakasulat sa note ng Payza, expected sa March 28 ang fund transfer pero mukhang hindi na ito aabot sa nasabing date.

Sa twitter account ng Payza, sinabi nila doon na nakikipag deal pa sila sa US authorities para maibalik ang kanilang operation worldwide. Sa ngayon, mga taga US ang apektado sa nasabing pagbabago. Dahil hindi naman ako taga US kaya, no wories dahil sinabi din ng Payza na ang kanilang website ay fully operational pa rin ang walang dapat ikabahala ang mga members. Good thing at hindi nawala ng tuluyan tulad sa nangyari isang napakalaking bonline payment process dati na Liberty Reserve at Bigla nalang naglaho.

Malaki ang Payza kaya hindi ito hahayaan ng may-ari na mawala. Meron lang hindi na comply na mga requirements ang Payza sa US Authorities pero siguradong mahahanapan nila ito ng paraan. Siguradong maraming mababago sa Policy ng Payza kahit hindi to US based company pero kung gusto nilang makapasok sa US, dapat susunod sila sa mga kautusan ng US authorities. More new about Payza ay mababasa sa link na ito: https://www.coindesk.com/us-crypto-payza-money-laundering-lawsuit/



Monday, November 27, 2017

Payza to Coins.ph -Paano?

8:46 AM 0
Payza to Coins.ph -Paano?
Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon, iba sa nakasanayan ko na dati. Kadalasan kasi umaabot pa ng 3-5 business day bago magiging successful ang pagwithdraw ko ng funds ko from Payza to my coins.ph account. Pero ngayon minuto lang nasa coins.ph ko na ang aking ni request na fund withdrawal. Kahit na last month, nag withdraw din ako ng Payza funds, umabot ng apat na araw bago ito nag reflect sa aking coins account. Kita din ng dalawang mata ko ang nasa page kung saan mababasa na expected to received the funds after 3 days. It's really a great surprise to me.


Marami akong programs na sinasalihan sa internet dati kaya medyo malaki-laki na rin ang kinita ko sa pagiging isang online job seekers. Yong iba kung e convert natin sa peso, centavo lang pero tiniis kung iponin hanggang magiging isang dollar na ito at saka ko e transfer sa aking Payza account.

Ang Payza ay isang payment processor na ginagamit online tulad ng Paypal at iba pa. Dating Alertpay at ngayon kilala na ito bilang Payza. Kapag umabot na sa $20 na ang laman ng iyong Payza, pwede na itong e withdraw at ilipat sa iyong preferred mode of payment, bukod sa bitcoin, pwede mo rin e withdraw sa iyong bank account kaso mas mahal ang charge kay sa e withdraw mo ito as a bitcoin.

Dahil nakaipon na rin ako ng $30 mahigit kaya minabuti kung kunin na ito at ilipat sa coins. Nong ginawa ko ang request, nasa isip ko na next week na ito papasok sa coins ko. Meron akong email natanggap nag notify sakin na successful ang request ko for withdrawal. E closed ko sana pero meron isang email na naman at parehong galing sa Payza. Nong tiningnan ko, completed na daw ang request ko. Syempre once completed nasa coins account na dapat ang funds. Kaya dali-dali kung binuksan ang aking coins.ph account para matiingnan kung pumasok na ang funds.

Hindi ako nagkakamali dahil nong mabuksan ko na, pumasok na nga ang aking ni request na bitcoin sa aking coins account. Nakakagulat kasi hindi naman ito tulad dati na matagal kang mag-antay bago pumasok. Mas lalo tuloy akong ginanahan magpatuloy sa aking iba't-ibang programa sa internet. Kahit nasa bahay ako, kumikita ako kahit nakaupo lang sa harap ng aking laptop.


Ikaw, contento ka naba sa mga ginawa mo. Tama naba ang income mo o income ng buong pamilya mo? Kung marami namang paraan para kumita ka online bakit hindi mo gagawin ang tulad sa ginagawa ko. Mapabahay o sa shop man ako, kagi akong kumikita ng pera. Salamat sa online opportunity at kahit papaano kumikita pa rin ako.