Ang dami kung nakikitang comments sa mga groups na sinalihan ko at pati na rin sa group mismo na ako ang nagpapatakbo, ito'y tungkol sa MyWorkinHour.com. Lahat ng nagpost at nagcomment ay umaaasang kumita ng malaking pera kapag may sumali o nag click sa kanilang mga referral link. Totoo nga bang kumikita kayo sa pinaggagawa nyo? Medyo masakit sa mata na halos lahat ng sulok nalang ni facebook makikita mo ang mga nag spam ng kanilang referral links kay MyWorkingHour.com.
Natatandaan ko yong mga panahon na bago pa ako sa online world, we back 2006. Sa pag-aakalang kikita ako, ginawa ko ang lahat para sana kumita online pero ang ending nasasayang lang ang effort at panahon ko sa pinaggagawa ko noon. Kaya, kung nakakita ako ng mga spammers na nagpost ng kanilang link sa MyWorkingHour.com, napailing nalang ako. Kasi halos lahat na nagpost, wala talagang ka alam-alam kung totoo o hindi ang pinaggagawa nila.
Ang MyWorkingHour.com ay isang BUGOS sa online world. Sa totoo lang, walang nababayaran ni isa sa kanilang mga members, simula nong ito'y nagsimula. Layunin nito na makukuha ang mga detalye ng isang tao na sumali sa site nila. Yes, mayron silang features to delete your account pero sa likod nito hindi totally nawawala ang inyong detalye sa system nila.
Ang inyong personal details ay manatili sa system ng MyWorkingHour.com hanggang sa gusto nila. Importante sa kanila ang iyong Email, Name at Location. Hindi ba kayo nagtataka na maraming dumadating na email sayo kahit hindi mo alam kung saan ito galing? Most of that site, binibinta nila ang email at personal details mo sa mga system na nangongolekta ng email address para papadalhan ng kanilang mga product and services promotion o mga advertisement.
Huwag na huwag kayong maniniwala sa pangakong babayaran kayo. Sinong company ang magbabayad ng $5 to $10 per click? Matagal na ako sa online world at malaki na rin ang kinikita ko sa mga raket ko online pero wala akong isang program sa ngayon kahit na noon pa ang nagbabayad sa akin ng ganun kalaki sa simpleng pag promote ng isang referral link o sa paggawa ng account sa kanila.
MyWorkingHour.com is a FRAUD website dahil sa sumusunod na dahilan:
- Hindi lang MyWorkingHour.com ang kumakalat ngayon sa internet na nanloloko ng mga tao. Sa katunayan marami pang ibang website na may kaparehong THEME, SCRIPT, owner at business model ang kumakalat ngayon sa internet. Ito ay ang mga sumusunod: MyPayGrow, TheJobPower, KidsPaidMoney, GoForPartTime, StartWeeklyJob, TheJobPayment, DoPartTimeJob at marami pang iba..
- Ni isa sa nabanggit na mga website sa itaas ang nagbabayad ng kanilang mga membro. Ang pangako nila, babayaran ang bawat membro ng $5 to $10 kapag mayrong mag click sa kanilang referral link sa facebook, Google, Instagram at iba pang social media sites. Ang malaking tanong, bakit kayo babayaran ng ganon kalaki eh pwede naman silang mag advertise sa facebook, google at instagram sa mas mababang presyo. Hindi nyo ba alam na pwede silang mag run ng ads sa facebook na ang sisingilin lang ni facebook sa kanila ay P2.00 lang. Diba malaking kalokohan at panloloko ng tao?
- Marami kayong makikitang listahan ng mga scam sites sa internet at isa sa nakalista doon ay ang MyWorkingHour.com. Hindi totoo na nagbabayad sila. Kapag nakakaipon kana ng pera sa account mo galing sa mga nagclick ng inyong referral link, they will ask you to download some apps or upgrade your account. Based sa mga experience na nakalap namin online, wala ni isang nababayaran kahit nag upgrade na sila o nag download sila ng mga apps. Nanakawin nila ang pera mo at sasayangin nila ang effort at oras mo.
- Ang ganitong mga sites ay hindi pinapakilala ang totoong may-ari. Sa online work industry, tanging ang mga scam sites lang ang tinatago ang totoong may-ari at ang pangalan ng kompanya.
- Ang MyWorkingHour.com ay layunin nitong makuha ang inyong email address, payment processor information at ibinta ito sa mga kompany na nagpapadala ng mga advertisment email sa mga tao online. Kung sakaling naibigay nyo na kanila ang nabanggit, change your email at pati na din ang email ng inyong payment processor. Kung naibigay nyo na rin ang inyong debit or credit card details, coordinate your bank para magabayan nila kayo.
HUWAG NA HUWAG kayong paloloko sa sinasabi nitong EASY TO EARN MONEY na pinapangako nila dahil puro ito kasinungalingan at malayo sa katotohanan. Lumayo kayo sa ganitong mga estelo ng panloloko online dahil sinasayang nyo lang ang oras at effort nyo.
Source: https://www.newsonlineincome.com/myworkinghour/
hay salamat sa npkdaming info na ito sir now i know
ReplyDeletesalamat din ng marami
DeleteAng dami talagang budol na ganyan sir online kabiLan ang pop-up sa screen hahaha
ReplyDeletekahit saan bro mayrong budol
DeleteBefore sumali sa mga ganito dapat echeck muna if legit para hindi mabiktima.
ReplyDeleteminsan sa sobrang excited wala ng time mag check hehehe
Delete