TRABAHO ONLINE

TRABAHO ONLINE

Your home of legit online opportunities.

Breaking

Thursday, March 21, 2019

Goodbye Zwerl Members and to the Online World

2:19 AM 0
Goodbye Zwerl Members and to the Online World
Nakakapanghinayang dahil isa sa nagbabayad sa amin ng hindi lang sentimo kundi libo-libo ay namamaalam na. Hindi pa naman sila totally closed pero sa kasamaang palad, hindi na sila nagbabayad sa kanilang mga membro. Ang Zwerl ngayon at kahalintulad na sa Facebook, Twitter at Instagram na kahit 24/7 kapang online at gumagawa ng kahit anong activities, you are not compensated anymore.


Sumali ako sa Zwerl noong October 27, 2018, kung nasundan nyo ang mga nagdaan kong updates dito sa blog ko. Isang linggo lang, agad akong nakakatanggap ng payout noong November 2, 2018 dahil maaga silang nagbabayad noon. Mahigit P3,000 ang natanggap ko kaya nagustuhan ko agad si Zwerl. Naglaan ako ng mahabang oras sa Zwerl pagkatapos ko sa aking mga blogs. Nakaipon ako ng mahigit $240 noong November 2018, one month activities ko yon sa kanila.

As promise bago mag December 15, ay makakatanggap na naman ang lahat ng membro ng kanilang payout pero nag-iba ang ihip ng hangin. Dumami ang mga mapagsamantalang membro na walang ibang habol kundi magkapera ng malaki sa Zwerl sa pamamagitan ng mga nonsense na topic. Naging strikto si Zwerl, halos lahat ng account ay dumaan sa masusing invistigation at pagsusuri.

Ipinaalam sa lahat na yong mga account na nakasama sa QUEUE ay babayaran sa January 2019 kung hindi sila lumabag sa policy at mga rules ng Zwerl.  Para sa akin, hindi ko na inisip kung mababayaran pa ang $240+ ko sa kanila. Nagiging inactive na rin ako sa Zwerl sa buong December hanggang January 2019. Dumaan ang January 15, 2019 pero wala akong payment na natatanggap mula sa Zwerl. Mas lalo ko ng kinalimutan ang account balance ko sa kanila.

January 28, 2019 mayrong isang email na hindi ko inaasahan. Ito'y galing sa TransferWise na napaka-familiar sa akin dahil nakatanggap na ako ng ganitong email noong November 2, 2018. Hindi ko binuksan ang aking email pero binuksan ko ang aking bank account kung saan yon ginamit ko sa aking previous payout kay Zwerl. Lumundag sa tuwa ang aking puso at isip dahil mayrong pumasok na P12,774.12.

Pagkatanggap ko sa email na iyon, bumalik ako saglit sa Zwerl at gumagawa ng mga magagandang topiko na maaaring makakuha ng maraming EXPERTS sa chat pero kahit ano pa ang ginagawa ko, hindi na ako kumita pa tulad nong dati. Hanggang last month lang, nagpadala ng announcement ang pamunuan ng Zwerl na hindi na sila nagbabayad sa lahat ng kanilang membro at magiging ordinary social media site nalang ito.


Pero ngayon, ikinalungkot ng lahat dahil TOTALLY CLOSED na ang kanilang website. Hindi na ito ma-search online. Sayang dahil ang ganda ng pasahod nila noong nakaraang taon. Marami din silang natutulungan, hindi lang mga Pinoy pati taga ibang bansa. Sana mayron na namang magagandang opportunities na magbubukas sa taong ito.

Wednesday, March 20, 2019

MyWorkingHour - Legit o Scam?

7:50 PM 6
MyWorkingHour - Legit o Scam?
Ang dami kung nakikitang comments sa mga groups na sinalihan ko at pati na rin sa group mismo na ako ang nagpapatakbo, ito'y tungkol sa MyWorkinHour.com. Lahat ng nagpost at nagcomment ay umaaasang kumita ng malaking pera kapag may sumali o nag click sa kanilang mga referral link. Totoo nga bang kumikita kayo sa pinaggagawa nyo? Medyo masakit sa mata na halos lahat ng sulok nalang ni facebook makikita mo ang mga nag spam ng kanilang referral links kay MyWorkingHour.com.



Natatandaan ko yong mga panahon na bago pa ako sa online world, we back 2006. Sa pag-aakalang kikita ako, ginawa ko ang lahat para sana kumita online pero ang ending nasasayang lang ang effort at panahon ko sa pinaggagawa ko noon. Kaya, kung nakakita ako ng mga spammers na nagpost ng kanilang link sa MyWorkingHour.com, napailing nalang ako. Kasi halos lahat na nagpost, wala talagang ka alam-alam kung totoo o hindi ang pinaggagawa nila.

Ang MyWorkingHour.com ay isang BUGOS sa online world. Sa totoo lang, walang nababayaran ni isa sa kanilang mga members, simula nong ito'y nagsimula. Layunin nito na makukuha ang mga detalye ng isang tao na sumali sa site nila. Yes, mayron silang features to delete your account pero sa likod nito hindi totally nawawala ang inyong detalye sa system nila.

Ang inyong personal details ay manatili sa system ng MyWorkingHour.com hanggang sa gusto nila. Importante sa kanila ang iyong Email, Name at Location. Hindi ba kayo nagtataka na maraming dumadating na email sayo kahit hindi mo alam kung saan ito galing? Most of that site, binibinta nila ang email at personal details mo sa mga system na nangongolekta ng email address para papadalhan ng kanilang mga product and services promotion o mga advertisement.

Huwag na huwag kayong maniniwala sa pangakong babayaran kayo. Sinong company ang magbabayad ng $5 to $10 per click? Matagal na ako sa online world at malaki na rin ang kinikita ko sa mga raket ko online pero wala akong isang program sa ngayon kahit na noon pa ang nagbabayad sa akin ng ganun kalaki sa simpleng pag promote ng isang referral link o sa paggawa ng account sa kanila. 

MyWorkingHour.com is a FRAUD website dahil sa sumusunod na dahilan:
  • Hindi lang MyWorkingHour.com ang kumakalat ngayon sa internet na nanloloko ng mga tao. Sa katunayan marami pang ibang website na may kaparehong THEME,  SCRIPT, owner at business model ang kumakalat ngayon sa internet. Ito ay ang mga sumusunod: MyPayGrow, TheJobPower, KidsPaidMoney, GoForPartTime, StartWeeklyJob, TheJobPayment, DoPartTimeJob at marami pang iba..
  • Ni isa sa nabanggit na mga website sa itaas ang nagbabayad ng kanilang mga membro. Ang pangako nila, babayaran ang bawat membro ng $5 to $10 kapag mayrong mag click sa kanilang referral link sa facebook, Google, Instagram at iba pang social media sites. Ang malaking tanong, bakit kayo babayaran ng ganon kalaki eh pwede naman silang mag advertise sa facebook, google at instagram sa mas mababang presyo. Hindi nyo ba alam na pwede silang mag run ng ads sa facebook na ang sisingilin lang ni facebook sa kanila ay P2.00 lang. Diba malaking kalokohan at panloloko ng tao?
  • Marami kayong makikitang listahan ng mga scam sites sa internet at isa sa nakalista doon ay ang MyWorkingHour.com. Hindi totoo na nagbabayad sila. Kapag nakakaipon kana ng pera sa account mo galing sa mga nagclick ng inyong referral link, they will ask you to download some apps or upgrade your account. Based sa mga experience na nakalap namin online, wala ni isang nababayaran kahit nag upgrade na sila o nag download sila ng mga apps. Nanakawin nila ang pera mo at sasayangin nila ang effort at oras mo.
  • Ang ganitong mga sites ay hindi pinapakilala ang totoong may-ari. Sa online work industry, tanging ang mga scam sites lang ang tinatago ang totoong may-ari at ang pangalan ng kompanya.
  • Ang MyWorkingHour.com ay layunin nitong makuha ang inyong email address, payment processor information at ibinta ito sa mga kompany na nagpapadala ng mga advertisment email sa mga tao online. Kung sakaling naibigay nyo na kanila ang nabanggit, change your email at pati na din ang email ng inyong payment processor. Kung naibigay nyo na rin ang inyong debit or credit card details, coordinate your bank para magabayan nila kayo.
HUWAG NA HUWAG kayong paloloko sa sinasabi nitong EASY TO EARN MONEY na pinapangako nila dahil puro ito kasinungalingan at malayo sa katotohanan. Lumayo kayo sa ganitong mga estelo ng panloloko online dahil sinasayang nyo lang ang oras at effort nyo.

Source: https://www.newsonlineincome.com/myworkinghour/

Sunday, February 24, 2019

Rollbol.Com - Ating Kilalanin

9:09 AM 0
Rollbol.Com - Ating Kilalanin
Mahigit isang bilyon na ang naging bahagi ng isang pinakasikat na social media ngayon, ang Facebook. Hindi lang mellinials ang nahuhumaling sa saya na hatid ng Facebook, pati mga senior citizen ay nahuhumaling na rin sa website na ito. Sa katunayan, naging bahagi na ito sa pang araw-araw na buhay ng bawat tao, hindi lang sa mga Pilipino pero pati buong mundo maliban nalang sa China.

Dahil sa dami ng membro ng Facebook sa buong mundo, naging pinakabatang mayaman ang mag-ari nito na si Mark Zuckerberg. Ang laki ng kinita nya sa mga advertisement na tumatakbo sa buong Facebook. Wala na atang ibang social media na maaaring makakatalo sa Facebook.

Speaking of social media, mayron isang mapangahas na bagong social media ngayon na may pagkahalintulad kay Facebook. Majority sa mga features na makikita mo sa buong website ay kapareho sa Facebook. Ang kaibahan lang, ang bagong social media na ito ay nagbibigay ng $1 sa bawat referral na maaari mong ma-invite para mag register sa kanilang website.

Bago kayo makasali, kailangan nyo munang mag register. Inaanyayahan namin kayong magregister gamit ang aming referral link. Please click this link para makasali:

Ating alamin ang mga mahahalagang impormasyon kung paano tayo kumita ng $1 sa bawat tao na mapasali mo sa website na ito. Basahin ang mga impormasyon na mababasa natin sa affiliate section ng Rollbol.com.

AFFILIATES

Easily earn money by discovering Rollbol: the more you spread, the more you make money!

Nothing's easier : Refer a friend and earn money by verified profile on Rollbol! *

* You can earn $1 for each valid registration, knowing that registration on our social network is free!

What is it about ?
For each sponsored friend, receive a $1 bonus on our Rollbol social network.

This is our way of thanking you for talking about Rollbol to your loved ones and helping us to increase your purchasing power!
How to validate the referral bonus?
You and your sponsored friend register to our website and must :
1- Complete your profiles : Add profile picture and a cover photo, select a maximum of 5 interests, add personal informations (Such as birthday, city, work, relationship etc...).
2- Send a verification request
3- Make regular posts (status, images, links, videos etc..) for a period of the first month (7 days minimum)
After following the above steps, your compensation is available starting from $20.

How to participate ?
In order to invite your friends, and take advantages of our affiliate system to get a rward of 20$, please :

1- Go to your profile page and click on "My affiliate link". Copy that link and send it to your friends and invite them to register and complete their profiles as mentioned in "What is it about" section
You can invite your friends via via Facebook, Twitter, Google+, by email or via a your affiliate link.
In order to take advantage of your reward remember to check that your payment information is up to date.
The more you invite your friends, the more you boost your purchasing power: payment starts at $20.

When will I receive my reward?
Your winnings are credited to your Rollbol account between 4 and 5 weeks after your sponsorship (except for exceptions).

The validation of your winnings is done by our services after certification of the registration of your godson and the respect of the conditions.
Indeed, once your sponsorship validated, we will credit your account of $1 and once the $20 accumulated, you receive your transfer to your Paypal account within 7 business days.
You can check your Rollbol credit by clicking on the "Payment" tab in your affiliate settings.

Conditions
Before making any payment request, please make sure that :

1- You and your invited friends must complete your profiles : Add profile picture and a cover photo, select a maximum of 5 interests, add personal informations (Such as birthday, city, work, relationship etc...)

2- You and your invited friends must have a verified profile (have a verification icon next to your name). if your profile is not verified, you can send a verification request.

3- You and your invited friends make regular posts (status, images, links, videos etc..) for a period of the first month. (7 days minimum)

Note : We will not validate any payment when the conditions mentioned above are not met. So please, before making any payment request, make sure you and your friends have completed the conditions.

ALL PROFILES WILL BE CHECKED MANUALLY, SO ALL FAKE EMAILS AND PROFILES WILL NOT BE ELIGIBLE.

Sunday, February 3, 2019

Neobux - The #1 PTC Site Until TOday

10:09 AM 0
Neobux - The #1 PTC Site Until TOday
Una kung natutunan ang PTC (Paid to Click) sites noong year 2006. Pero sa kasamaang palad, halos lahat ng sinalihan ko, hindi talaga ako kumita. Masasabi kung sayang lang ang oras ko ginugugol sa pag click ng mga ads bawat araw. Lumutang ang bux.to -yon ang unang ptc na nagbayad sa akin ng $10 dahil iyon ang minimum payout nila. Kaso, aabutin ng limang buwan bago mo matatanggap ang iyong payout kapag ikaw ay standard member. Ang kumikita lang sa site na yon ay ang mga premium or upgraded members. Marami ang nakakatanggap ng payout kahit medyo may katagalan ang paghihintay.

Pero noong April 2008, nagulantang ang lahat ng lumabas ang isang bigating PTC site na unang nag introduce ng INSTANT PAYOUT. Wala pa ni isang may ganong proseso na matatanggap mo agad ang iyong payout wala pang isang minuto. Syempre hindi ito deretso cash na pwede mong ma-widro sa bangko. Dadaan muna ito sa iyong payment processor. Sa panahong iyon, ang malakas at tinatanggap halos lahat na bansa ay ang Paypal. Pero sa panahong iyon, bukod sa Paypal, pwede ding mag request ng payout through Liberty Reserve at Alertpay (Payza).

Isa o dalawang buwan bigla nalang ni-LIMIT ng Paypal ang account ni Neobux kaya nadismaya ang karamihan dahil yon lang ang inaasahan ng karamiha dahil ang ibang payment processor ay hindi pa available sa ibang mga bansa. Sa tulong din ng mga members, nag-appeal ang lahat na buksan muli ni Paypal ang account ni Neobux at sa awa ng Diyos, na-grant naman ang appeal namin.

Pioneer members ako ng Neobux. Hindi ko kilala ang sponsor ko, nakita ko lang kasi sa bux.to advertisement ang Neobux kaya nag-join ako. Pero nakita ko din isang araw ang aking sponsor, sa tulong ng Neobux forum. Binigyan ako ng aking sponsor ng bonus clicks dahil active ako at madalas upgraded member pa ako. Tapos nong, nag decide ako na mangibang bansa, napabayaan ang account ko at binura dahil sa inactivity. 

Marami na ang nangyayari sa Neobux at marami na ding pinagdaanan ang site na ito. Mahigit isang dekada na mula ng ito'y lumabas at marami na ding natulongan nito na mga Pinoy. Noong una, namamayagpag pa ito sa internet pero ngayon humina na ang kitaan dito. Dahil sa pabago-bago ng mga policy ng mga sites lalo na sa mga payment processor, medyo humina at bumagsak ang bilang ng mga taong gustong sumubok sa PTC opportunity.

Maraming payment processor na din ang nawala dahil sa mga hindi inaasanag pagbabago ng mga pamamalakad ng government kung saan nag-operate ang mga payment processor na ito. Si Paypal, hindi na rin tumatanggap ng mga websites na related sa PTC. Si Alertpay (Payza) kung dati sa Canada sila nag operate, ngayon wala na dahil may kaso sila with federal governent kaya lumipat sila sa UK. Si Liberty Reserve naman, kinumpiska ng gobyerno sa America dahil sa mga paglabag ng kanilang business operation kaya nagsara din ito.


Paypal, Payza at Liberty Reserve ay nawala sa Neobux. Tanging si Neteller ang tinatangkilik ng mga ULTIMATE members at para naman sa medyo mababa lang ang payout ay ang SKRILL at airtm. Kahit maraming pagbabago, patuloy pa din akong bumabalik sa Neobux. Para sa aking, iiponin ko ang aking kita galing sa mga kunting ads. Hindi naman kailangan ng mahabang oras upang i-click ang mga advertisement. Pinili kung maging free member or standard member kay sa mag-upgrade tapos hindi maasikaso, siguradong malulugi ako.

Sa mga hindi pa alam ang Neobux, maaari kayong mag register gamit ang link na ito:
https://www.neobux.com/?r=usapangpera

Paano ba kumita kay Neobux?
Kung tapos na kayong mag register, pwede agad kayong mag view ng mga ads na makikita sa VIEW ADVERTISMENT section ng inyong account. May tatlong uri ng advertisment mayron ang Neobux pero pareho lang itong nagkakahalaga ng $0.001 per ads para sa mga Standard member pero para sa mga ULTIMATE - Golden Member, mataas ang halaga ng bawat advertisment na i-view mo. Kung dati puro advertisement lang ang bukod tanging pagkakakitaan kay Neobux, ngayon hindi na. Marami ng paraan para makaipon ng dollars sa iyong Neobux account.




Mayron ding AdPrize na pwede kayong manalo ng rewards mula kay Neobux. May corresponding halaga ang pwede mapanalunan mo. Kung suswertehan ka, pwede kang manalo ng Golden Membership na aabot hanggang $90 good for 1 year. 


I-Click lahat ng advertisement na makikita mo, mula pink ads, black ads at ang orange ads. Kapag ikaw ay upgraded member, maraming ads ang pwede mong ma click mula $0.001 hanggang $0.02 per ads. Kailangan lang ng masilang pag-aaral kung paano mo i-manage ang iyong account para kumita.

View the ads at antayin na matapos ang timer bago isara ang ads page. Kapag hindi mo tinapos ang timer, walang madagdag sa account balance mo kaya siguraduhing natapos na ito. Tingnan ang illustration sa itaas.



Bukod sa view advertisement, maaari na rin kayong kumita sa pamamagitan ng Mini Jobs, mayrong mga mini-jobs na gagawin mo para mabilis na lumaki ang earnings mo. Tingnan ang illustration sa itaas.


Mayron na ding SURVEYS ang Neobux na maaaring sagutin ng mga members para madadagdagan ang iyong kita sa Neobux. Ang halaga ng bawat survey ay dumidepende sa uri at haba ng task na kailangan mong gagawin. Nasa itaas ang ilustrayon.



Mayron na ding palaro o games ang Neobux na maaaring kumikita ka kapag nagawa mo ito ng tama. Sundin lamang ang instruction kung papaano ang gagawin para kumita. Napakadali lang kumita sa special features na ito ng Neobux.




Mayron ding mga OFFERS na pwede nyong trabahuin para mapadali ang paglaki ng inyong earnings. Maraming category na pwede nyong pagpipilian. May mga madali lang at mayron ding mahirap pero kung mahirap gawin, malaki din ang pwede nyong kikitain.



Sa forum naman, doon nyo malalaman ang iba't-ibang announcement ng admin, mga latest update at kung anu-ano pa mula sa pamunuan o mga impormasyon mula sa kapwa members.



Mayrong importanteng apat na features ang Neobux. 
1. Upgrade - kung gusto mong kumita ng malaki, huwag mag-atubiling mag upgrade ng iyonh account.

2. Advertise - pwede kayong mag promote ng iyong product and services gamit ang features na ito ni Neobux.

3. Referrals -kung wala kang mahanap na direct referrals mula sa mga kaibigan at kamag-anak, pwede kayong mag RENT ng referrals mula mismo sa system ni Neobux.

4. Your Payment -kapag na reach mo na ang minimum payout na $2 o higit pa, pwede nyo ng matanggap ang iyong pera at papasok ito sa iyong piniling payment processor.



Para sa mga Pinoy, mas madali nalang ngayon i-widro ang iyong pera mula sa SKRILL. Mula sa SKRILL, pwede kang mag request ng iyong pera at ipasok ito sa GCASH at SMARTPADALA (Smartmoney)



Pwede mo ring i-promote ang Neobux sa iyong mga kaibigan, kamag-anak at mga kakilala mapa-internet man o sa iba pang paraan para makasali at mapasama sa iyong list of referrals. May mga banner din sa section na ipinakita sa itaas na pwede nyong i-display sa iyong website o sa iyong mga makakausap online.


Iba't-ibang uri ng members kay Neobux. Standard members lang ang free, walang binabayad na kahit ano. Samantalang ang ibang member ay mayron yearly membership fee at every year din itong niri-renew. Mamili lang kayo kung anong klaseng membership ang gusto nyo depende sa kaya na bulsa mo.

Monday, January 28, 2019

Zwerl Payment Received Yesterday - Never Expected Since They Start Queueing

11:20 PM 0
Zwerl Payment Received Yesterday - Never Expected Since They Start Queueing
Hindi ko na inaasahan na may darating pa dahil nong December 2018 ko pa ito inaantay pero dahil sa biglaang pagbabago ng site, napasama ako sa naka- QUEUE. Ang masaklap, hindi lang pang 100 kundi unti-unti pang tumaas ang numbers ng QUEUE ko hanggang umabot sa mahigit isang libo. Kaya nawala ako ng pag-asa at pilit na kinalimot nalang ang site. Hindi na ako nag participate sa mga chatroom at nawalan na ako ng gana, hindi gaya dati na everyday akong nasa site na ito. Pero nong hindi ako napasama sa payout, bigla din akong naglaylo.

Hindi ito ang first payout ko. Pangalawa ko na itong payout at medyo malaki ito compared sa first payout ko. Seven days lang kasi yong first payout ko dahil end of the month na ako sumali sa Zwerl. Nagustuhan ko yong concept kung kaya madali kong na reached your minimum payout. Sinubukan ko lang yon nong una kung totoo ba talaga silang nagbabayad. Namangha ako dahil October 23, evening yon kung hindi ako nagkakamali nag register ako kay Zwerl. Sabi nila kataposan ang cutoff pero tantsa ko hindi,  dahil napakaaga dumating nga payout ko. November 2 dumating na ang payout  at more than P3,000 ang natanggap ko sa aking BPI account.

Mula noon kahit may iba pa akong raket sa internet,  mas nagbigay ako ng mahabang oras sa Zwerl dahil nag-enjoy ako sa pakikipag-usap ng mga kapwa member. Medyo suspense kasi dahil may oras kayong sinusunod. Minsan hindi mo napapansin na naubos na pala ang 10 minutes nyo sa pakikipag-usap. Napaka-enjoy at marami akong nasalamuhang ibang mga tao at pangalan mula sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas at buong mundo.

Ganun paman, kahit nag-enjoy kung hindi naman compensated ang binigay mong oras sa site, mawawalan ka talaga ng gana. Ok lang sana kung sa umpisa palang ay alam ko na hindi sila nagbabayad dahil pareho sila ni Facebook pero hindi ako magpaka-plastic, sumali ako doon dahil sa kita. Bukod sa mag-enjoy ka, at the same time kumikita ka. Saan kapa, diba napakaganda dahil wala ka naman ibang gagawin kung makikipag chat lang. Isi-share mo lang ang iyong mga experiences sa buhay lalo na ako na medyo marami na ding karanasan lalo na sa online world.

I expected na matatanggap ko ang aking payout bago mag mid of December 2018 pero bago paman dumating yong, marami ng mga annoucement tungkol sa QUEUEing at pagbabago ng policy. Marami ang nagrereklamo pero wala silang magawa dahil nasa company or site pa rin ang decision. Nananahimik ang buong Zwerl mula matanggap ang hindi magandang balita na iyon. Karamihan sa mga members na nakaabot ng minimum payout ay under review ang kanilang mga account at mga activities.

Dahil nasa mahigit 1,100 ako sa QUEUE, hindi ko na pinansin ang site kahit mayron akong balance na $247. Yong oras ko na binigay ko sa kanila, inilipat ko sa ibang raket ko sa internet lalo na sa pagpo-promote ng sariling blog ko at dahil sa nangyari mas humatak ng maraming views ang blog ko at kumita ako ng mas malaki compared noon. Nagpapasalamat lang ako sa experience na nakuha ko kay Zwerl.

Kampanti ako sa sarili ko na kung totoong site talaga ang Zwerl sigurado akong mababayaran ako dahil wala naman akong nilabag sa kanilang policy. Sinunod ko kung anong mga hindi dapat upang hindi masasayang ang aking pinaghirapan.


Kahapon lang, sa hindi inaasahang panahon...habang nasa harap ng laptop ko, may na-receive akong email at medyo familiar ako kung saan ito galing. Naka ON kasi ang notification ko sa aking laptop para bawat email makikita ko. Hindi nga ako nagkakamali galing nga sa Zwerl dahil ito lang ang bukod tanging nagpapadala ng pera sa akin gamit ang TRANSFERWISE.

Bago paman dumating ang magandang EMAIL kahapon, meron na palang notification sa aking account regarding sa incoming payout ko. Ito ang mensahe na bumungad sa aking Zwerl account right after I opened the site:




Kaya nagpapasalamat ako na dumating din ang aking payout sakto kung kelan kailangan ako ng pera dahil kalalabas lang namin sa ospital dahil na confined yong anak ko nong nakaraan araw. Atleast my refund yong binayad ko sa ospital.

Kung gusto nyong subukan ang site na ito, you can register gamit ang aking referral link: 
https://www.zwerl.com/refer?code=KLPP6Z