TRABAHO ONLINE

Your home of legit online opportunities.

Friday, March 23, 2018

Payza Has Been Shutdown

12:43 AM 0
Payza Has Been Shutdown
Yes tama po ang nabasa nyo sa heading ng post na ito. Ito'y nababasa ko lang po galing sa pinaka paborito kung online site kung saan kumikita ako sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang mga surveys at mga task. Siguro kung member kayo ng Clixsense, alam nyo na ang post announcement ng kanilang ADMIN. Ang post ay DATED March 21, 2018 bandang 4:38pm at mababasa ng ganito:

Payza has been shutdown

21 Mar 2018 04:38 pm
Members, as I am sure many of you are aware, Payza has been shut down by the US Government. This means we cannot send any cashouts to them and Payza will be removed as a cashout option from ClixSense. As for the funds you have available in Payza or any cashouts we've recently sent, the status of this money is unknown. We cannot refund any payments sent to Payza as we do not have access to their platform.

We do not know any more information other than their domain has been seized by US Authorities and we cannot load their website.

We will update you more on this situation as the information becomes available.

Thank you

NAGULAT AKO nong mababasa ko ito sa akin mismong account. Bakit ako nagulat? Dahil meron akong funds sa aking Payza account na iniipon ko for about 2 months galing ito sa isang program ko na sinasalihan 2 years ago. Referral commision ko ito galing sa aking referral na taga USA. Kahit hindi na ako active sa site kumikita pa rin ako dahil sa kanya.

Sayang naman kung mawawala ito dahil na siezed na yong site. Kaya agad-agad kong binuksan ang aking account sa aking cellphone. Bad thing, hindi nagbukas ang aking cellphone kaya nagtungo agad ako sa aking Laptop. Nong binuksan ko ito, Thanks God nabuksan naman. Kaya pinindot ko agad ang WITHDRAW para mailipat na ito sa aking  COINS wallet.

Successful yong request ko at agad nilang pina process pero meron itong 5 business days waiting time. Yon naman ang dati nilang ginagawa pero nagbago ito last year dahil almost instant na ang pag disbursed nila ng funds transfer. Yong sinabi na hindi na ma ACCESS ang PAYZA site, hindi yon totoo kasi na access ko pa naman. Pero merong kaibahan sa dati. Ngayon ang makikita mo sa iyong browser ay PAYZA.EU na, unlike before na walang EU. Malamang, nasa EUROPE na ang server ng Payza.

Ang Payza ay ang dating ALERTPAY. Nagbago ito ng mukha at mas lumalawak ang sakop nito compara noon. Gumaganda na rin ang takbo ng Payza kay sa Alertpay dati. Malakas ang Payza at pumapangalawa ito sa Paypal. Kaya ito ang pinili kong online payment process after Paypal na nagbago din ang Policy at maraming sites ang natatamaan lalo na ang mga online earning sites like PTC at iba pa.

Walang palatandaan na hindi na nag function ng maayos ang Payza pagkatapos kung mag request ng withdrawal dahil ilang minuto palang, nakikita ko na ang parating na FUNDS sa aking COINS wallet.  Ibig sabihin tama yong sinabi nila sa email about my withdrawal status na they make a connection to my bitcoin wallet for the fund transfer. Based sa nakasulat sa note ng Payza, expected sa March 28 ang fund transfer pero mukhang hindi na ito aabot sa nasabing date.

Sa twitter account ng Payza, sinabi nila doon na nakikipag deal pa sila sa US authorities para maibalik ang kanilang operation worldwide. Sa ngayon, mga taga US ang apektado sa nasabing pagbabago. Dahil hindi naman ako taga US kaya, no wories dahil sinabi din ng Payza na ang kanilang website ay fully operational pa rin ang walang dapat ikabahala ang mga members. Good thing at hindi nawala ng tuluyan tulad sa nangyari isang napakalaking bonline payment process dati na Liberty Reserve at Bigla nalang naglaho.

Malaki ang Payza kaya hindi ito hahayaan ng may-ari na mawala. Meron lang hindi na comply na mga requirements ang Payza sa US Authorities pero siguradong mahahanapan nila ito ng paraan. Siguradong maraming mababago sa Policy ng Payza kahit hindi to US based company pero kung gusto nilang makapasok sa US, dapat susunod sila sa mga kautusan ng US authorities. More new about Payza ay mababasa sa link na ito: https://www.coindesk.com/us-crypto-payza-money-laundering-lawsuit/



Monday, February 26, 2018

MGA TRABAHO ONLINE

9:27 AM 0
MGA TRABAHO ONLINE
Kung napapansin nyo ngayon, marami na ang nagtatrabaho ONLINE kumpara noon. Bakit nahuhumaling ang karamihan na magtrabaho online kay sa makikipagkarerahan sa mga jeep, bus at pati sa train? Dahil mas relax ang magtrabaho online kay sa yong nasa opisina o sa work site. Ang pinakamaganda sa lahat, ikaw ang nag control ng oras mo. Walang amo na umaaligid sayo na laging nagmasid kung ano ang pinaggagawa mo habang nasa trabaho.

Marami akong experience sa pagtatrabaho. Kadalasan mahirap talaga ang magtatrabaho sa ilalim ng isang kompanya at kontrolado ng boss mo ang oras at sarili mo. Wala kang freedom. Sunod sunuran ka lang kung ano ang gusto nila dahil kung hindi naman, siguradong sa kangkungan ka pupulutin kinabukasan. Marami ang takot mawalan ng trabaho. Syempre saan kana aasa kung wala kang sahod at kanino ka manghihiram o manghihingi kaya mahirap talaga kung wala kang trabaho.

Sa panahon ngayon hindi na tulad nong dati na takot ang karamihan mawalan ng trabaho. Ito'y dahil, marami ng trabaho ngayon online na halos kapareho lang ang sahod sa mga taong nasa opisina at minsan nga mas mahigit pa. Alam mo ba kung anong pwedeng pagkakikitaan online? Kung hindi mo alam, sasabihin ko sa inyo ang iilan na maaring makaka-support sa pangangailangan mo o sa pamilya mo.

Paid To Click (PTC)
Nag-umpisa ang pamamayagpag ng Paid To Click noong year 2008. Isang website na binuksan na instant ang payout. Marami ang kumikita pero mas marami ang nalulugi tulad ko dahil tamad akong pag-aralan ang systema nila. Sa mga matiyaga, sila ang kumikita ng malaki. Kailangan lang para kikita ka ay meron kang pang invest para makabili o maka rent ng mga tauhan mo or referrals. Dahil nauuso ang investment, sinasamantala ng mga magagaling na manloloko. Nagbubukas sila ng mga website at ilang araw o buwan lang kapag lumalaki na ang kanilang pundo, bigla itong nagsasara. Kaya humina nag industriya ng Paid To Click. Isang website lang ang nanatili sa ngayon na masasabi nating stable dahil mag 10 years na itong tinatangkilik ng mga tao sa buong mundo lalo na mga Filipino.

Paid Surveys
May mga kompanyang nag-conduct ng mga surveys based po ito sa needs ng kanilang mga clients. Instead na gagawin ito sa bahay-bahay, ginawa ito online para mas mabilis makuha ang mga data galing sa iba't ibang uri ng tao. Bawat survey na masagot mo ng tama, meron itong corresponding amount na iki-credit sa account mo. Pag nakaipon kana ng $5 or $10, pwede mo na itong e withdraw trhough Paypal  at from Paypal papunta sa bank account mo. Mas malaki ang kikitain sa mga surveys kapag matiyaga kang pababalik balik at mag check sa account mo kung meron bang latest surveys. Ang kagandahan nito, hindi kailangan ng investment, libre lahat at sila pa ang magbabayad sayo pagkatapos mong magawa ng tama ang surveys nila.

Blogging
Marami ang nagiging bloggers ngayon kahit napakahigpit na ni Google Adsense pagdating sa screening nga mga adsense applicants. Bukod sa libre ang blogging kung ayaw mo ng customized na web address, mas mabilis ang kitaan dito lalo na kung sikat na sikat na ang blog mo. Importante lang ay may regular kang mga readers o followers sa blog mo para patuloy pa rin ang earnings mo sa iyong blog. Marami na ang mga guide at tips na pwede nyong matutunan online para magagamit mo rin sa pagpapalakas ng iyong blog. Importante lang hindi ka tamad magbasa at mag research.

Call Reviews
Umabot din ako sa mahigit dalawang taon na nag re-review ng mga calls at e categorize ito para sa US clients. Marami ang kumita pero marami din ang hindi. Kailangan lang kasi ng tiyaga lalong lalo na sa oras dahil gabi lang maraming trabaho pero kapag araw matumal. Marami na ding Pinoy ang natulungan sa iyon at hanggang ngayon patuloy pa rin silang tumatanggap ng mga online job seekers.

Virtual Assitant
Usong-uso din ito ngayon. Per project ang bayaran ang kadalasan ikaw ang nag control ng oras po. Although meron naman ibang employer na sila din lagi ang masusunod. Maraming pwede ipapagawa sayo ang iyong virtual boss. Dapat sundin mo para magkapera ka. Ang laki ng sahod ay depende din sa uri ng trabaho na ipapagawa sayo. Kapag mahirap gawin, syempre malaki din ang bayad non. 

Napakarami pang ibang online job na pwedeng pagkakikitaan sa mga taong tinatamad ng pumasok sa opisina o sa mga job site. Sa umpisa mahirap lalo na kung hindi mo pa kapa ang trabaho pero kapag nasanay kana, baliwala mo na rin ang trabaho mo at matutunan mo na rin itong mahalin. Para sa akin, mas gusto ko ang magtrabaho ONLINE para mas malapit ako lagi sa pamilya ko. Abangan nyo ang specific website na pwede nyong pagtrabahoan. STAY TUNE!

Wednesday, December 13, 2017

What is Bitcoin?

8:10 AM 0
What is Bitcoin?
Ano ang kahulugan ng Bitcoin? Bakit ang daming nababaliw ngayon sa Bitcoin. Ano ba ang kagandahang idudulot nito sa atin. Please watch the video.
Kahit ako din medyo na ingganyo sa Bitcoin pero iniiwasan ko na talagang mag invest ito'y dahil sa hindi magandang karanasan ko sa mga ganitong kalakaran. Oo, malakas pa yan ngayon pero dahil hindi controlled ng bank at ng government ang pagpapatakbo ng bitcoin, malamang babagsak dito ito sa huli. Aabangan nalang natin anong mangyayari pagkatapos sa pagbulusok ng price nito ngayon.

Friday, December 1, 2017

Survey Completed

8:52 AM 0
Survey Completed
Araw-araw hindi ako mawawalan ng isang survey na ma complete ko. Ibig sabihin araw-araw din ako merong dollar sa aking Clixsense account. Matagal na ako naging member ng clixsense, simula nong year 2007 pa pero nong time na iyon, hindi ko pinagtuonan ng pansin ang pagsagot ng mga surveys. Marami kasi akong online program kaya nahati ang oras ko sa mga website na tinatrabaho ko everyday.

Simple lang po ang pagsagot ng mga surveys. Kailangan lang na ma update mo yong profile mo para magiging qualified po kayo sa bawat survey. Meron kasi silang kinakailangan sa isang tao para kompletohin ito. Kung hindi ka qualified, hindi ka makakasali nito sa pagsagot. Laging tandaan na totoo ang mga sagot mo. Kung sakaling hindi naman, atleast very near sa katutuhan para pumasa ka at madagdagan ng dollars ang account mo.

Masarap sa pakiramdam pag kumikita ka online. Bukod sa pagiging blogger ko, marami din akong inasikasong website para kumita ako. Ang iba maliit lang ang kitaan pero ginagawa ko pa rin. Nagsimula din kasi ako dati sa pag-iipon ng mga centavo pero dolyar naman. Hanggang nakahanap ng magandang website at kumikita din ng husto. Hindi permanent ang kitaan online. Minsan malakas, pero karamihan matumal dahil dumadami ang gumagaya sa mga nagtatrabaho online tulad ko.

Pero kahit ganon paman, hindi ako nagpatinag. Patuloy pa rin ang paghahanap ko ng magagandang opportunity online. Hindi ito ang main source of income ko kasi meron naman akong cellphone shop pero apart from it, kumikita din ako online gamit ang free time ko. Hindi ako nagsasayang ng panahon lagi. Mas gusto kung tumambay sa harap ng aking laptop kay sa gumala sa mga mall na ako pa ang gagastos.

May iba't ibang klase ng survey na pwede mong salihan. Minsan related ito sa mga gadget, minsan naman tungkol sa mga appliances, meron din mga pagkakataon na kailangan nilang hingin ang mga opinion tungkol sa isang political party? Magtatagal ka din sa pagsagot ng mga survey, magkaka idea ka din kung paano ka pumasa sa bawat survey. Sa umpisa mahirap pero pagnasanay kana at nakuha mo na ang technique, sigurado isang buwan para ka ding nagtatrabaho sa isang private company na may malaking sahod. Ang kayod mo online dumidepende pa rin sa sipag mo. Kung magaling ka at masipag, siguradong magkakapera ka.

Para masundan mo ang mga bagong lumalabas na survey, kailangan mo laging e check ang iyong clixsense account. Kung wala kang ginagawa sa bahay inaanyayahan kitang e install ang browser extension ng clixsense para lagi kang na notify pag meron bagong survey or task na papasok sa system ng clixsense.

If you are interested to join, you can register under this link: https://www.clixsense.com/?3484121 or you can ask me more info my sending me an email through the email address found on the right side of this page.

Wednesday, November 29, 2017

Online Job Journey

8:05 AM 0
Online Job Journey
Nag-umpisa akong maghanap ng pagkakitaan sa internet noong year 2006, I remember na bored na akong maglaro sa akong computer. Biglang pumasok sa isip ko "kung pwede kaya akong kumita online" Naghanap ako ng mga legit site pero it was failed. Halos lahat na sinalihan ko ay scam. Sa madaling salita several days at months na paghahanap nauuwi sa wala. Wala talaga akong kinita.  Meron akong isang site na nagbabayad pero ang minimum payout naman ay $0.01 pero isang linggo kung pinindot ang mga ads nila. Not worthy sa effort at time ko pati na koryente.

Ganun paman hindi pa rin ako huminto kakahanap. Hanggang nag 2007 nakita ko ang ilang PTC sites na nagbabayad pero sa $10 mo aabutin ng limang buwan bago mo matanggap. Napakatagal tapos hindi ko pa alam pano e withdraw ang pera ko galing Paypal kasi yon ang gamit na payment processor sa mga site noon. Tuloy pa rin ang aking paghahanap at natapos na ang year 2007 hindi pa rin productive ang online job ko.

Dumating ang 2008 at medyo nag-iba na, lumalaki ng kunti ang mga pumapasok na payout sa aking Paypal. Pero nong time na iyon, hindi na ptc ang kinagigiliwan ko. Isang paid to post na website, called mylot. I meet several Filipinos na kumita na rin sa site. Sa isang buwang kaya kung kumita ng $10-$15. Hindi kalakihan pero nag-enjoy naman ako makikipag kwentuhan sa mga members ng site at the same time kumikita kapa.

It was April 08, 2008 meron bagong launched na ptc at instant ang payment nito. Kaya nag register agad ako. Ang name ng site ay Neobux at until now buhay pa rin at marami na ang kumikita pero ako dahil kulang sa budget hindi ako nakapag invest ng malaki kaya nagtatagal ako bilang standard member na sobrang bagal ang kitaan pero nakuha ko pa rin ng isang buwan ang INSTANT PAYMENT when I reached $2.00. Ang kita ko sa mylot pinag-invest ko at naging golden member na ako na nagbabayad ng $90 sa isang taon.

Kumita ako ng kunti pero hindi ako satisfied. Nong ma discover ko ang HYIP, doon na naman naubos ang time ko. Nagkaroon na ng income galing sa mga legit site kay ang pondo ko, pinag-invest ko rin sa ibang site at kumita ako. Halos I earned almost $1,000 sa loob ng tatlong buwan. Pero tapos non biglang nag closed ang site. Bawing-bawi na ako pero kawawa yong mga bagong pasok.

Pagkaraan ng ilang buwan, lumuwas ako ng Manila nong year 2009 upang mag-apply ng trabaho abroad. Hindi ako nagtagal sa Manila at nakaalis din ako. Nagtrabaho sa isang 5 star hotel bilang supervisor sa housekeeping. After 1 year na nasa abroad, nabayaran na lahat ng mga utang, saka ako bumili ng sarili kong laptop at nagpatuloy ako sa aking mga raket sa internet kahit nasa abroad at nagtatrabaho. Ginawa ko ang raket ko pag gabi or day off. Nakakaipon din ako pero sakto lang walang labis walang kulang. 

Tapos naging member ako ng humanatic isang call review site na naka based sa America. E review mo lang ang mga calls sa iba't ibang company sa America. Malaki ang kita kung gawin mong full time pero hindi ako pwede kasi full time employed ako ng isang hotel sa Saudi. Sa mga free time ko saka ako nagtatrabaho online. At marami pang mga website na pinagkakaabalahan ko pagkatapos noon at isa-isa ko itong idagdag sa mga post ko dito. Maaring sundan nyo lang po para may idea kayo sa mga online job.